♫ GEEK IN THE PUNK ♫

I'm not between you and your ambition. I am a poster girl with no poster, I'm 32 flavors and then some.

2.01.2006

feel bad wednesday

yey! done with the introso and filipi1 long exams this morning.. time to rest awhile.. :)

anyway.. actually, i was thinking about posting something about proms last sunday eh.. pero wala eh, didn't get to go online, so wag nalang.. naalala ko lang naman kasi yung prom night ko, wherein nagpakasenti ako while slow dancing.. well if you know me well enough, you'd know kung bakit. tama ba naman yun, umiyak habang sumasayaw? haha.. basta.. long story eh. goodluck nalang sa mga magpo-prom this month. wish you all well guys, okie? :)

ergh.. as we all know, malapit na ang Valentine's day.. (shetness..).. mej nafi-feel ko na nga yung pagsulpot ng mga vendors ng kung anu-anong flowers jan sa may president's avenue. i have nothing against those people, hehe, (bitterness strikes again), napapaisip lang ako kung bakit sa tuwing dumadating ang araw ng mga puso (as in lagi), talagang kailangan ZERO ang lovelife ko. seriously. well, nakatanggap na naman ako ng flowers in the past, okay, pero alam mo yung feeling na wala pa rin. na kahit sandaang rosas pa yung ibigay sa iyo, hindi mo pa rin maitatanggi sa sarili mo na ang gusto mong matanggap ay kahit isang fake na flower lang galing dun sa taong gusto mo. na maalala ka man lang niya kahit sa ganong paraan? nakakalungkot isipin na yun nga, nandun pa rin ako sa state na yun kung saan wala pa rin progress yung love meter ko, loser mode talaga. :( ngayong valentine's, asa pang may magbago diba? haha.. manonood nalang ako sa ibang tao na magpapakasaya sa araw na yun. that's the spirit.. bahala na si superman sa akin. sino bang pwede magbigay sa kin ng invisibility cloak para di na makita ng tao yung lungkot ko? or pwede ba akong mag-apparate sa ibang lugar sa araw na yun para pumunta na lang ako sa sarili kong mundo?

kung balak niyo kong bigyan ng kahit na ano next next tuesday, bigay niyo nalang sa Mom ko. siya kasi dapat yung nagce-celebrate more than anyone else eh, birthday niya kasi. so yun, nagpag-isip isip ko lang naman yung content nung 3rd paragraph eh, wag niyo masyado seryosohin. hehe.. :(

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home