not so sweet nothings.
sa aking paglalakbay sa kawalan, walang anu-ano'y bigla kang sumagi sa aking isip. sadya ba talagang kailangan iyon mangyari? dahil sa tuwing ika'y naiisip ko, lalo lang lumalalim ang pagtingin kong alam kong hindi naman masusuklian ng anu mang pagtingin galing sa iyo. hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa aking sarili na walang patutunguhan ang mga nararamdaman ko. ngunit sadya yata talagang mapagbiro ang tadhana na kailangan pa nitong pahirapan ang isang pusong nahihirapan na nga. kahit ang kapalit nito'y isang buhay na puno ng hinanakit, asahan mong pipilitin kong lunukin ang mapait na katotohanang ika'y mananatiling isang panaginip na lamang.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home