deep sigh..
Badvibes yung trip ko pauwi kanina. Actually the whole day good mood naman ako eh, nung pauwi lang talaga ako nabadtrip dun sa mga nakatabi ko sa jeep and fx. Kasabay ko sina Francis and Regine sa jeep.. so a-okay naman.. until may sumakay na babae, I figured na uupo siya sa tabi ko kaya nag-move na ko ng konti to give her some space.. then, nung uupo na siya bigla niyang sinabi "pausog lang may uupo!".. ang sama ng tingin niya sakin dude.. pinigilan ko nalang yung sarili kong irapan siya kasi mej ang bastos lang niya ha.. nagkatinginan kami ni Francis na parang "o-kay, ayos siya, nice one..".. pinabayaan ko nalang eh, ka-badtrip siya. Anyway.. so yun, of course nauna sina Regine and Francis bumaba kesa sakin so I was on my own on the way home. Nung malapit na sa Jollibee, may nag-para na na guy before pa ko nakapagsalita. Nag-para na rin ako just to make sure na titigil siya.. aba si manong hindi tumigil! Para kami ng para pero ayaw niyang tumigil.. nagslow down lang siya across na nung jollibee. Hassle talaga.. tas si katabi kong girl, humirit pa badtrip na nga kaming mga hindi nakababa agad.. sabi niya, "dapat kanina palang doon sa kabila!".. may migraine ako kanina and pinigil ko nalang yung sarili kong wag nalang siyang barahin eh, napikon talaga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nananadya ba siya or what, alam niyang bago palang makarating ng jollibee pumapara na kami.. hindi lang tumigil yung driver. Hay nako, people nowadays--babae pa.. hilig mang-urat ng ibang tao.
Nakasakay naman ako agad ng fx and mabilis napuno. Nainis lang ako coz nung nagbayad ako ng P100, P15 yung binawas nung driver. I mean, sa mcdo lang ako, 15 bux! Ayos talaga mga fx driver these days.. nananamantala pag binigyan mo ng buo. Makakarma rin kayo, what goes around comes around.. after nun I thought okay na.. or so I thought. Nung bababa na ko, yung katabi kong guy hindi man lang bumaba para mag-give way (sa back kasi ako nakaupo)! Hindi na nga siya bumaba, hindi pa niya binuksan ng maayos yung door kaya nung pababa ako, slightly nauntog pa ko dun sa door.. napamura ako ng wala sa oras kaya sorry na lang siya. Sobrang gentleman niya, sana makatulog siya sa biyahe para di siya makababa sa destination niya. Badtrip talaga mga tao ngayon.. nakaka-urat talaga sila. May araw din kayo, don’t worry. *grrrrrrrnesss*
Buti nalang sa trike walang prob. At least mabait yung driver.. at least! Oh well.. thank God I'm home nah. :P
**pagdating namin ng house nila Tinoy, wala pa siya. nagpapagupit pa kasi, so nag-wait kami (hindi ko na sasabihin kung gano katagal :P).. nakakatawa kasi nung nagbabasa kami ng magazines, biglang lumabas si JC [de vera just so you know] sa room, nag-hi si Cudz tas nagkatinginan kaming 3 nina Cathy. nagkatawanan kami after kasi hindi namin ine-expect na nasa bahay siya. oh well.. ganon talaga pag mej starstruck! :))
Napagod rin ako sa shooting ha.. haha, ang kulit kanina! Music video ng "high" by the speaks and Barbie. Ang cute, kasama namin si Fil dun! Galing galing! Watch for it sa youth camp--kung participant ka! Hahaha! Francis, sorry sa kurot, wag kang mag-alala magpapasa rin yan. :P hinilot (kuno) naman kita eh! And ang cool ng bagong 'do ni Tinoy--purple! ^_^
**kitakits tayo sa Saturday! grabe whole day shoot na.. hehe, otei lang.. All For God naman. :P
*housemates hug* ~ Louis, Raffy, Migi, Cudz, Cathy, Nash!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home