♫ GEEK IN THE PUNK ♫

I'm not between you and your ambition. I am a poster girl with no poster, I'm 32 flavors and then some.

10.31.2005

iBELIEVE.

AhhhhhhhH! Putik everywhere, everywhere putik!

Metro manila conference October 29-30.. t’was held at Marist School in Marikina.

Saturday morning I woke up at exactly 4 am. Hindi naman sa mashado ako excited pero kasi mabagal ako pag umaga eh. You know, bagong gising and all, kailangan as much as possible marami akong oras para gawin lahat ng rituals ko. Mga 5 am, all set nako. Pero langya, si Simon sleeping beauty parin. Aion.. gumising siya before 5:30.. sa tagal niya, nakapagfriendster na ko, naayos ko pati blog layout ko and stuff. Buti nalang, nakaalis kami ng 6. nakarating kami sa SMB ng mga 6 quarter.. ang buong akala ko, andun na silang lahat. Sauce, sina Karen, Migi and Jem palang yung nandun. Yun pala, sinundo nina kuya Norman yung iba. Kasi after a while dumating na yung starex, lahat cla andun nah. Pero still we waited for a while pa kasi wala pa si Blezz. Mga around 6:30, nakaalis na kami. Hindi naman ganon katagal ung travel time. Kala ko nga nasa south ung marikina eh, sa north pala! Hahahah!

Pagdating namin dun sa place, mi gad! Ang daming tao.. ang kulit pa nila Jem sa loob, we were guilty of making fun of the people outside. But hey, we were just playin'.. hehehe!=) sabi nila samin, dapat daw ng rubber shoes kami. Kasi I was wearing slippers that time. Hindi ko sila mashado pinansin kasi, ano ba naman yung konting putik diba? So I didn’t mind them. Pagbaba namin, ok ok pa eh.. pero nung papunta na sa field.. shet! Wet mud all over.. pero nag-ingat ingat talaga ko para hindi malagyan ng putik yung feet ko. I was successful. Yung slippers ko lang yung nagka-putik. So aion, tumambay muna kami dun sa booth ng mga basura inc., and naglinis ng mga paa. After a while, pinabalik kami for some reason I ddn't know dun sa may gym. Kaya lang, pagbalik dun, ahhhh! Lumubog yung foot ko sa mud, so aion, no more hope for me. Tinanggal ko nalang yung slippers ko and naglakad ako on my bare feet. I wasn't alone anyway, chaka it wasn't that bad. Tas naghugas agad kami ng feet dun sa may fountain. Mabilis lang natanggal yung mud kasi hindi pa siya tuyo. Tapos, nagulat ako, pinapabalik kami nila Paulo sa booth kasi kailangan magbantay.. wah! On the way back, putik yet again. Wala rin yung hinugas namin.. pero ayos lang, kahit na mejo asar nako sa putik, lahat naman kami madumi na eh. *harhar

Sa totoo lang, I haven't eaten breakfast nung mga time na yun eh. Kaya sobrang eager nako malaman kung anong lunch. Kasi shakey’s nga yung sponsor. Pero to my horror and mixed emotions, nagulat ako sa ulam namin. At first nga kala ko hash brown eh. Yun pala breaded chicken. As in, ngayon lang ako nakakain ng rice sa shakey's! and breaded chicken?! Tsktsk.. pero wala eh, what do you expect? Nung ilc nga eh, may panis na kanin and gravy na nasa softdrink cup. Anyway, so aion, nagstart na ata yung session nung mga hapon na eh. Praisefest bla bla bla.. nag-ayos ayos ng mga basu-basura.. I even bought a shirt.. okay naman.. tas nung gabi, tambay kami in one of the covered areas. Umupo kami sa tables and nagpicture picture and nagkulitan. Nandun na kasi si Emman eh. Hahaha*

Aion, nag-resume din yung session nung wla na talaga yung sun. there were talks, sharings and stuff. Tas dumating si Fil and Jen. Inis pa ko nun kasi maputik dun sa area namin. Pero wla rin naman akong magagawa. Taposs, dumating na yung boys with our dinner. So parang ako, hindi nako nag-expect ng kahit ano, pero nagulat parin ako, kasi ngayon lang ako nakakita ng barbeque sa shakey's. naman! I was almost convinced na yung box and spoon&fork + the hot sauce yung galing sa shakey's eh. Pero aus naman, masarap naman ung ulam kahit papano..

In one of the sessions, mejo nakakatulog ako. Naririnig ko yung mga sharings nung mga nasa stage pero alam kong tulog ako. Weird noh? Hehe.. eh sobrang antok na ko nung time na yun kaya hindi ko na napigilan. Pero sandali lang naman, after a while, nagising narin ako kasi worship na eh.. hehe!=)

Hindi nako nag-expect na makakatulog kami ng maayos nung gabi. Kaya nung bumalik kami sa van, nag-soundtrip nalang kami. Tapos yung pinaka-benta sakin nung nasa loob kami, was nung nagbubukas si Emman ng chips. As in ang tagal tagal niya bago mabuksan yung bag ng chips, pero nung mabuksan niya, wala pang 10 seconds yata wla nang laman! Buti nga nakakuha pako sa lagay na yun, grabe talaga. Mas matagal pa yung pagbukas niya nung chips kesa dun sa pag-ubos nung laman eh. Hahaha* tapos sinamahan ako ni Jem maghugas ng feet sa taas. Sa sobrang excited ko na makapaghugas, napaapak ako sa pool of water na sobrang dumi! Napasigaw pa ko kasi ang weird ng feeling.. ayan kasi.. pero di ko nalang masyado pinansin. Basta gusto ko na maghugas.

Tas dumating cna Fil and Jen sa parking lot, naglatag sila sa likod ng starex ng sleeping bag. Balak nila dun na matulog since wala nang ibang lugar na matino tulugan. After a while, ang dami nang sleeping bags sa floor. Haha! Ang dami naming natulog sa parking lot.. asteeg eh!=) nakatulog ako agad nung tumabi ako kay Blezz, kahit na ang ingay ingay nila. Nagising nalang ako nung pine-playback nila yung "wowowee" song ni Emman. Grabe, hindi maganda pampagising yun ahh! Wahhhh! Nung hindi ko na matiis yung song, tumayo nako and nag-ayos. Kasi 4 am naka-sked yung mass. Mga 4:15 nasa site na kami, tapos biglang na-move yung mass ng 5. so nakatulog pa ko kahit papano. Kahit nakaupo, sige lang. Tas ginigising na kami nina Louis kasi malapit na magstart. Aion, nakailang gising sila sakin eh.. kasi sobrang antok na antok pa ko nun.

Nakatulugan ko rin ata yung mass. Basta dun sa mga parts na nakaupo, nakakatulog agad ako eh. Buti nalang after nung homily, hindi na ko ulit nakatulog kasi may sun na eh. Hindi na madilim. Aion, after the mass, lots of praise songs yung sumunod. Chaka followed by the last session.

After nun, we went back to the van to fix everything na. Nung hindi na ko makatiis, nagpalit ako ng clothes from head to foot. Hindi ko na kasi ma-take eh, feel ko ang dumi dumi ko na nun. Sa loob nako ng van nagpalit since wla naman na kong choice. Nung matapos ako, kumakain na silang lahat. Waw! Guess what kung ano yung food! Totoong shakey’s na! Pero wala parin pizza eh! Spaghetti and garlic bread. Ang corny nung spag, konti nung sauce.. hehe!=) pero aus lang.. ndi naman panget eh..

Kina Arjo kami sumabay pauwi. On the way back, knockout kami lahat. Mejo naipit pa nga ako nun kasi si JB katabi ko tas si Simon on the other side, tas si Francis ung sa dulo. So parang nung tulog na kami, nafifeel ko yung weight nila. Hahaha! Pero tulog ako eh, and pagod kaya pinabayaan ko nalang.

They dropped us off at SMB.. tas we waited for mama to pick us up. May lunch pa kami sa Buma at 12 kaya nagmadali kami papunta kina lolo kasi maliligo pa kami.

God, was I so refreshed nung nakaligo nako..

Grabe, what a weekend.. pero it was fun just the same.

Hahaha*



iBELIEVE with God, all things are possible.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home